ABOUT
Higit 40 porsiyento ng mga kalamidad sa mundo ay nangyayari sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, kaya sa buong mundo ito ang lugar na itinuturing na madalas magkaroon ng kalamidad. Simula 2005, humigit-kumulang 500,000 buhay ang nawala at 1.4 bilyong tao ang naapektuhan nito. Sa susunod na mga dekada, tinatayang 200 milyong buhay ng kabataan bawat taon ang lubhang maaapektuhan ng mga kalamidad.
Layunin ng SAFE STEPS Natural Disasters (Kalamidad) na magbigay ng mas madaling maunawaang mensahe kung paano maghanda sa mga kalamidad upang mas maraming tao ang maging ligtas at mas matatag.
MGA BIDYO
MGA KARD PANGKALIGTASAN
POSTER PANG-EDUKASYON
DOWNLOAD
EMBAHADOR PARA SA KALAMIDAD
MANNY PACQUIAO
Pagkalipas ng Bagyong Yolanda (Haiyan) noong Nobyembre 2013, inilaan ni Kgg. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang kaniyang oras upang maging embahador para sa SAFE STEPS at magbahagi ng payong pangkaligtasan sakaling may maganap na kalamidad. Isa siyang mapagkawanggawa at isang survivor na nakauunawa sa epekto ng kalamidad bunga ng sariling karanasan.
Si Manny Pacquiao ay isang Pilipinong boksingero na kilala sa buong mundo. Siya ang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Sarangani sa ika-16 na Kongreso ng Pilipinas, si Pacquiao rin ang nagtatag ng Pacquiao Partnership for the Poor Inc. na nagbibigay ng tulong pangkalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayn sa mahihirap na mamamayan at mga indibidwal. Siya rin ang Embahador ng Habitat Hero para sa Habitat for Humanity na tumutulong sa pagbangon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bahay at komunidad. Isa rin siyang matatag na tagapagtaguyod ng kilusan laban sa human trafficking.
Bumalik sa simula