Patakaran sa Privacy
Patakaran sa Privacy
Nangako ang Prudence Foundation na pangalagaan ang iyong privacy at tiyaking nasusunod ang nakasaad ng mga batas ng Ordinansa ng Personal Data (Privacy, Tsapter 486 ng Batas ng Hong Kong). Ipinatutupad sa Website na ito ang Patakaran sa Privacy na itinakda ng Prudence Foundation at siya ring magtatakda kung paano mangalap, gamitin at ihayag ang iyong personal na impormasyon.
Sa paggamit ng Website na ito, ang Prudence Foundation ay hindi mangangalap ng anumang impormasyong nagsasaad ng iyong personal na pagkakakilanlan na hindi ito ipinababatid sa iyo.
Maliban sa tinukoy sa “Pangangalap ng Personal na Impormasyon” na nasa seksyon sa ibaba, hindi ihahayag ng Prudence Foundation ang anumang impormasyong nagsasaad ng iyong personal na pagkakakilalan sa ikatlong partido, maliban kung may pahintulot mula sa iyo o sa mga natatanging sitwasyon, tulad ng kahingian ng batas o upang protektahan ang ating legal na mga karapatan, o kung may kaugnayan sa pagsasama, pagtamo o pagbili ng lahat o malaking bahagi ng negosyo, ng kumpanya o ng ibang kumpanya.
Gagawin ng Prudence Foundation ang lahat ng mga makatuwirang hakbang upang matiyak na ang iyong personal na datos na ibinigay sa amin ay maitabi nang wasto.
Kung may katanungan kaugnay sa Patakaran sa Privacy at sa pagpapatupad nito, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.
Pangangalap ng Personal na Impormasyon
Ang sumusunod ay mga layunin ng Prudence Foundation para sa pangangalap ng personal na impormasyon mula sa mga gumagamit ng Website:
(1) estadistika at pananaliksik;
(2) pagbibigay ng hiniling na mga materyal na may kaugnayan sa mga Nilalaman ng Website;
(3) pakikipag-ugnayan sa mga gumagamit ng Website na ito;
(4) pagkakasundo sa anumang kahingian sa pagpapahayag na ipinatupad ng batas o ng mga may kapangyarihang tagapagtakda sa Prudence Foundation, sa mga kasapi o katuwang na institusyong pinansiyal;
(5) pagtatasa sa iyong kaangkupan bilang kandidato para sa bakanteng posisyon sa Prudence Foundation, pakikipag-ugnayan, pakikipagkasundo at pag-aalok sa iyo ng trabaho;
(6) iba pang mga layunin na binanggit sa oras ng pangangalap; at
(7.) pagtupad sa iba pang mga layunin na direktang may kaugnayan sa (1) hanggang (6) sa itaas.
Maaari kaming mangalap ng aggregate data na hindi magbubunyag ng iyong pagkakakilanlan. Ang impormasyong ito ay makatutulong sa amin upang higit na maunawaan ang iyong mga pangangailangan at maiangkop sa iyo ang website at ang mga serbisyo. Maaari naming ibahagi ang aggregate data sa mga ikatlong partido, para sa mga layuning pag-aanunsiyo at pagbebenta.
Ang personal na impormasyon ng mga gumagamit ng Website na ito na nakalap ng Prudence Foundation mula sa Website ay maaaring ilipat at ibahagi sa sumusunod na mga partido (sa loob man o labas ng Hong Kong) para sa mga layuning nakasaad sa (1) hanggang (7) sa itaas.
(a) ibang mga kumpanya sa loob ng Prudential Group;
(b) sinumang katuwang sa gawain na may parehong layon na makatulong tulad ng Prudence Foundation;
(c) mga Tagapamahala ng Ikatlong Partido;
(d) mga Propesyunal na Tagapayo;
(e) anumang asosasyon at samahan na maiuugnay sa pagtulong na kasalukuyang umiiral at mga iiral pa;
(f) sinumang ahente, kasapi, kontratista o ikatlong partidong nagbibigay serbisyo sa administratibo, telekomunikasyon, kompyuter, pagbabayad, imprenta, pagtubos o ibang mga serbisyo sa Prudence Foundation na may kaugnayan sa operasyon sa negosyo ng Prudence Foundation;
(g) mga mananaliksik;
(h) sinumang tao at kilalang korporasyon na ang Prudential plc o ang mga kasapi nito, kasama ang Prudence Foundation ay obligadong sumunod sa ilalim ng kahingian ng anumang batas;
(i) anumang pangkat pampamahalaan at panghukuman o mga tagapagtakda; at
(j) ibang mga partido na binanggit sa oras ng pangangalap.
Maaaring ibigay ng Prudence Foundation ang iyong Personal na Impormasyon na may kaugnayan sa kasunduan sa ibang kumpanya na nakaiimpluwensiya sa pagkontrol, pamamahala, istruktura at/o pangangasiwa ng lahat o malaking bahagi ng negosyo nito, o kung kailangang tumugon sa ipinatutupad na batas o sa tinakdang mga kahingian.
Ang Website na ito ay maaaring may mga link sa mga website ng ikatlong partido. Walang kontrol ang Prudence Foundation sa nilalaman ng mga website ng ikatlong partido o sa paraan ng pamamahala ng mga website na ito sa iyong personal na impormasyon. Kailangan mong suriin ang mga patakaran sa privacy na ipinatutupad ng mga website ng ikatlong partido upang maunawaan ang paraan ng pamamahala ng mga website na ito sa iyong personal na impormasyon.
Sa iyong pag-akses sa Website na ito, maaaring makakalap ng mga anonimong impormasyong teknikal ukol sa iyong mga gawain sa Website (hal. ang iyong IP address, petsa at oras na nag-akses sa Website, impormasyon na may kaugnayan sa iyong browser at operating system, mga site/website na iyong binisita at iba pa).
Maaaring gumamit ang Prudence Foundation ng “cookies” (mga piraso ng impormasyon na may kaugnayan sa iyong mga gusto, na ipinadadala ng Website sa iyong browser at itinatabi sa hard-drive ng iyong kompyuter). Ang cookies ay nakatutulong sa Website upang maalala ka at ang iyong mga gusto kapag ikaw ay bumisita sa Website. Nakatutulong din ito upang makaangkop sa iyong mga kailangan. Ang iyong personal na pagkakakilanlan ay hindi matutukoy ng cookies. Subalit, kung hindi mo nais makatanggap ng cookies maaari mo itong hindi paganahin sa pamamagitan ng pagbabago sa setting ng iyong browser.
Itatabi ng Prudence Foundation ang iyong personal na impormasyon hanggang kailangan upang makamit ang layon nang ito ay kinalap at upang tumupad sa legal na mga kahingian. Kung hindi na kailangan ng Prudence Foundation ang iyong personal na impormasyon para sa anumang layunin, titiyakin ang nararapat na mga hakbang upang maingat na mabura o maalis ang iyong personal na impormasyon.
Ang mga gumagamit ng Website na ito ay may karapatang humiling ng akses sa at/o pagwawasto sa kanilang personal na impormasyong hawak ng Prudence Foundation. Alinsunod sa probisyon ng Ordinansa ng Personal Data (Privacy), ang Prudence Foundation ay may karapatang maningil ng makatuwirang bayad para sa pagpoproseso tulad ng pag-akses sa data at kahilingan sa pagwawasto. Kung sinumang gumamit ng Website na ito ang nais i-akses o iwasto ang kanilang personal na impormasyong hawak ng Prudence Foundation, mangyaring makipag-ugnayan sa amin o sumulat sa aming “Prudence Foundation – Data Protection Officer” sa aming opisina – 13/F, One International Finance Centre, 1 Harbour View Street, Central, Hong Kong.
Ang Patakaran sa Privacy na ito ay maaaring baguhin ng Prudence Foundation anumang oras at lahat ng mga personal na impormasyon ay sasailalim sa pinakabago nitong bersiyon ng Patakaran ng Privacy.