ABOUT
Sa buong mundo, 1.3 milyong tao taon-taon ang namamatay sa mga daan, habang 500 bata naman ang namamatay araw-araw. Ang mga aksidente sa daan ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga edad 15 hanggang 29.
Ito ay patuloy na isyung nagbabanta sa buhay ng mga indibidwal at sa kanilang mga pamilya, hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo, sa mga paunlad at maunlad na bansa.
Layunin ng SAFE STEPS Road Safety na magtaas ng kamalayan at magbigay ng mas madaling maunawaang mensahe ukol sa kaligtasan sa daan upang makatulong na magligtas at mangalaga nang maraming buhay hangga’t maaari. Nariyan din ang mga poster at polyeto na maaaring ipamahagi sa pamamagitan ng mga gawaing pampamayanan. Inaproba at pinagtibay ng International Federation of Red Cross at ng Red Crescent Societies ang lahat ng mga paalaala sa kaligtasan sa daan ng SAFE STEPS.
MGA BIDYO
POSTER PANGKAMALAYAN
POSTER PANG-EDUKASYON
POLYETO UKOL SA KALIGTASAN SA DAAN
DOWNLOAD
KALIGTASAN SA DAAN | |
PANDAIGDIGANG ULAT NG KATAYUAN UKOL SA KALIGTASAN SA DAAN 2018 |
KALIGTASAN SA DAAN |
PANDAIGDIGANG ULAT NG KATAYUAN UKOL SA KALIGTASAN SA DAAN 2018 |
EMBAHADOR NG KALIGTASAN SA DAAN
MICHELLE YEOH
Ang kinikilalang aktres, prodyuser na si Michelle Yeoh ang pinakaangkop na napiling maging Embahador para sa SAFE STEPS Road Safety. Simula 2008, inialay na ni Michelle ang kaniyang buhay sa pangangampanya upang kilalanin ang kaligtasan sa daan bilang priyoridad para sa global na pampublikong kalusugan at pagpapaunlad para sa parehong United Nations (UN ) at Federation Internationale de I’Automobile (FIA).
Si Michelle ay kasalukuyang Embahador ng Global Road Safety para sa UN Decade for Road Safety 2011-2010 at tagapagsalita para sa bagong FIA High Level Panel para sa Kaligtasan sa Daan, na naglalayong makipagkasundo sa pribadong sektor sa mas pagpapaigting ng sigla na harapin ang hamon sa kaligtasan sa daan sa buong mundo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pandaigdigang kaligtasaan sa daan: www.roadsafetyngos.org
Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa kaligtasan sa daan sa mga karaniwang lugar sa: DITO
Bumalik sa simula