Mga Tuntunin sa Paggamit
Mga Tuntunin sa Paggamit
Ang mga Tuntuning tinutukoy rito ay ukol sa iyong paggamit sa website na safesteps.com at ibang kaugnay na mga site (‘website’). Pinahihintulutan ng Prudence Foundation Limited ang pag-akses at paggamit sa website ayon sa sumusunod na mga Tuntunin sa Paggamit. Ang paggamit sa website ay nangangahulugan ng iyong pagsang-ayon sa mga Tuntunin sa Paggamit, na magkakabisa mula sa unang araw ng iyong pag-akses sa Website. Kung ang mga Tuntunin sa Paggamit ay hindi lubos na sinasang-ayunan, ikaw ay hindi pahihintulutan mag-akses sa Website at dapat nang itigil agad ang paggamit sa Website.
May karapatan ang Prudence Foundation na baguhin ang mga Tuntunin sa Paggamit anumang oras sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga pagbabagong ito online.